Nagsimula ang kwento ko sa pagmamahalan ng aking mga magulang. Nagbunga ang pamamahalan nila ng limang supling. Sa aming magkakapatid ako ang bunso. Maraming kwento ang dumating sa buhay ko bago ako maging 4th year student. Sisimulan ko ang aking kwento sa araw ng aking kapanganakan.
Sa isang hapon ng agosto taong 1994, ako ay iniluwal ng aking ina. Tuwang tuwa sila nang ako ay kanilang makita. Sabi ng ina ko, bibo daw ako noong ako ay bata pa. Sa katunayan, tatlong taon pa lang ako ay nagsisimula na daw akong magsayaw-sayaw at kumanta-kanta. Noong panahong iyon ay uso pa ang mga kantang ‘shalala’ at ‘hindi ko kayang tanggapin’ na nahilgan kong kantahin at sayawin.
Taong 2001 nang ako ay maging istudyante sa unang baitang. Naalala ko pa yung nangyari sa akin na kung saan ay walang nagsundo sa akin sa unang araw ko sa eskwela. Umiyak ako noon, habang naggugulong. Pero maya-maya pa ay dumating na ang ate ko para ako ay sunduin. Buti na lang ay duating pa. noong ako ay umakyat sa ikalawang baitang, isang karanasan ang muling sa akin. Habang sinusundan ko noon ang aking kapatid ay inaasembol ko ang aking laruang ‘transformer’. Ilang minuto pa ang lumipas, biglang nawala na lang ang akng kapatid. Kabadong-kabado ako noon habang umiiyak, salamat na lamang sa isang taong tumulong sa akin upang mahanap ko ang kapatid ko.
Mabilis na lumipas ang araw, taong 2006 nang ako ay umakyat sa ika-6 na baitang kung saan nagsimula na akong sumayaw sa aming baranggay at maging sa aming paaralan. Mas marami rin akong nakilalang bagong mga kaibigan kumpara sa mga nakalipas. Ilan sa mga naging kaibigan ko ay sina Neil, Rolando at Angelu. Masasabi kog mabubuti silang kaibigan. Talagang mabilis ang panahon at hindi ko na namalyan na magtatapos na pala ako. Nalungkot ako noon dahil sa mga kaibigang maiiwan ko pero sa puso ko mukhang malabo ng makalimutan ko pa sila.
Nang magbakasyon nakasali ako sa liga sa aming purok. Marami akong nakalaro na naging kaibigan ko. Pumunta rin ako sa Bicol kasama ang kuya ko. Ilan sa masasayang karanasan ko doon ay ang paglalaro sa palayan, pag-akyat ko sa mga puno ng mangga at paglalangoy sa dagat. Nang malapit na ang pasukan bumalik na kami sa aming tahanan.
Sa unang araw ng pasukan, malakas ang tibok ng dibdib ko dahil sa kabang aking nararamdaman. Sa unang araw pa lang meron na kaagad akong naging malapit na kaibigan. Siguro kaya ko siya naging kaibigan ay dahil sa pareho kaming makulit. Nang lumipas pa ang mga buwan, dito ko na nakilala sina Jeric, Joshua at Patrick. Talagang naging masaya ako bilang isang 1st year student. Nagkaroon noon ng isang ‘concert’ kung saan ako ay nakasali bilang isang mananayaw. Nahilig ako sa sayaw dahil kina Allyson at Jayson na bukod sa pinsan ko na ay bestfriend ko pa.
Nang ako’y maging istudyante sa ikalawang taon, mas nagpumilit akong maging magaling na mananayaw. Tuwing ako ay nauwi sa amin, nagpapraktis ako sa likod ng aming bahay na nagbabakasakaling gumaling pa sa pagsasayaw. Pero ng malaman ko na tumigil na sa pag-aaral at pag-sasayaw sina Jason, biglang gumuho ang pangarap ko. Tumigil na rin ako sa pagsasayaw mula noon. Nagbago na ang aking hilig. Nag-aral akong mag-gitara at sa awa ng Diyos ay natuto naman ako sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. Nahilig din ako sa chess na dating hindi ko hilig. Minsan nga ay nagkaroon ng try-out sa chess kung saan ay lumahok ang aking mga kaibigan. Inanyayahan din nila akong sumali. Naisip kong wala namang mawawala kung sasali ako. Pero laking gulat ko nang ako pa ang nanalo sa patimpalak. Nakakatawang isipin hindi ba? Mula noon ay lalo akong naging interesado sa chess. Napasali na rin ako sa palarong pan-lungsod. Sumali na rin ako sa isang ‘chess tournament’ at sa awa ng Diyos ay nanalo ako bilang pangalawa sa pangkahalahatan. Lumipas ang panahon at hindi ko namalayan na magiging 3rd year na pala ako. Naging mataas ang grado ko noong ako ay nasa ikalawang taon pa lamang na naging dahilan ng pagtaas ng seksyon ko.
Naging 3-B ako noon. Sa una, medyo nahihiya at nalulungkot ako doon dahil kakaunti pa lang ang kakilala ko doon. Pero nang lumipas ang panahon, naging ka-close ko na rin sila. Hindi ako makapaniwala na magiging top-1 ako sa kanila. Pero para sa akin, isang tao lamang ang dapat kong pasalamatan dahil sa pagiging top-1 ko, siya ay si JM. Si JM ang nagturo sa akin na pumunta sa ‘city library’ upang mag-aral. Mula noon ay nahilig ako sa pagbabasa sa ibat-ibang uri ng libro. Naging mataas muli ang aking grado. Dumating din ang “JS prom”. Sa una ay ayaw ko pang sumama pero nang pilitin ako ng mga kaibigan ko, sumama na rin ako. Naging masaya ang ‘JS prom’ para sa akin. Pagkatapos ay kumain pa kami sa “Lugaw Queen”, ang saya talaga. Dahil sa grado ko, nakasisiguro ako na tataas ang seksyon ko pero naging malungkot ako sapagkat naaalala ko ang mga panahon na nagkakasama kami ng mga kaibigan ko. Pero ang sabi ko sa sarili ko hindi naman sila mawawala sa puso ko kaya pumayag na rin akong maging A.
Nang una akong pumasok bilang 4-A kabadong kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ang una kong nakilala sa A ay si Mark. Sa una ay ok lang sa akin si David pero nagtataka ako kung bakit maraming may ayaw kay David. Ngayon alam ko na kung bakit. Naging ka-tropa ko na noon sina July, at Nickdhel. Nakilala ko si July dahil pala-kaibigan siya samantalang si Nickdhel naman ay napakakult kagaya ko kaya naging malapit siya sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko silang dalawa. Nadating ang araw na nagkakayayaan kaming mag-basketbol, napakasaya naman ng karanasang iyon. Mabilis talaga ang panahon at dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang ‘Seniors Mini Olympics’. Naglaro ako noon ng soccer. Naging masaya ang paglalaro namin ng soccer pero meron akong natutunan sa larong iyon. Ito ay “hindi mahalaga ang manalo sa laro, ang mahalaga ay kung paano ka naglaro at kung naging masaya ka sa paglalaro”. Naglaro rin kami ng basketbol. Nakatsamba sa unang laro, pero sa sumunod ay natalo na, ang lalaki baga naman ng mga kalaban. Naging masaya ang buhay 4th year ko kung saan nabuo ang mga salitang “asia-birthday”,”aro-moves”,”early-lately”,”july ma-log” at salitang MALUBAY. Sa ngayon, nagkaroon kami ng proyekto sa MAPEH kung saan kailangan naming magsayaw at ako ang naatasang magturo sa aking mga ka-grupo. Ito na siguro ang paraan ng Diyos upang ako ay muling magsayaw. Malapit na ang graduation na alam kong ikalulungkot ko. Kung ako ang tatanungin, ayoko munang magtapos sa sekondarya dahil ayokong dumating ang panahong hanap-hanapin ko ang mga kalokohan naming pinaggagawa pero may kasabihan ngang “ the life must go on” kaya kailangan talagang ipagpatuloy pero isa lang ang tinitiyak ko, hindi ko makakalimutan ang mga kalokohan naming bilang istudyante at kahit anung mangyari mananatili ito sa kaibuturan ng kaloob-looban ng puso ko at kalianman ay hinding-hindi maglalaho.
Sa buhay ko marami akong naging karanasan, pero sa lahat ng karanasan ko meron akong naaalala. Ito ay ang mga karanasang may kaugnayan sa pagtatrabaho at paghahanap-buhay ko. Sino ba naman ang makakaisip na sa mura kong edad ay marami na akong naging trabaho. Nag-tinda na ako ng sigarilyo, sampaguita, nagtrabaho sa manukan at sa botehanna naging inspirasyon ko sa buhay ko. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging matatag ako. Alam ko na malaki ang maitutulong nito sa pagsalubong ko sa aking hinaharap.
Best casinos in the world to play blackjack, slots and video
TumugonBurahinhari-hari-hari-hotel-casino-online-casinos-in-us · blackjack (blackjack) · roulette (no wooricasinos.info Blackjack Video Poker · Video septcasino.com Poker 바카라 사이트 · Video Poker 바카라 · Video 출장안마 poker