 |
simply me :) |
Ako si Anabel Cenence Acapuyan tinatawag ako ng na Belle,Ana,Anne,Bhelai,at minsan Bhe.Isinilang ako noong ika-9 ng Pebrero, taong 1990 sa ganap na ika-3 ng umaga. Ang mga magulang ko ay sina Myrna Cenence Acapuyan at Rodolfo Bagayas Acapuyan. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Ang aking ama ay may sariling sakahan noon. At ang aking mama ay nagtatrababo sa isang ospital sa Paoay, Ilocos Norte kasama niya ang pinsan na doctor.May apat akong kapatid na babae sila ay sina Vanessa, Michelle,Aileen at Joanalyn.
 |
2 buwan lamang ako dito |
Ako ay nagsimulang mag-aral noong ako ay tatlong taon lamang. At ako ay pinalad na matanggap sa unang baiting noong ako ay mag-aanim na taon pa lamang sa Paaralang Elementarya ng Lang-ayan Currimao, Ilocos Norte. Sa bawat araw at taon na ako ay nag-aral dito ay marami ang magagandang nangyari sa akin at marami akong natutunan. Ako ay isa rin sa mga estudyante sa paaralang ito na nagkamit ng mga karangalan at mga medalya.Ako ay nagtapos ng ika-6 na baitang na may karangalan pangalawa ako sa pinaka-matatalinong estudyante na mga nagsipagtapos sa taong iyon.
 |
kapatid ko si vanessa |
Ako ngayon at ang aking mga kapatid ay ulila nang lubos. Namatay kasi an gaming mama noong ako ay 9 na taon lang at ako ay kasalukuyaang nasa ika-apat na baitang noon. Noong namatay ang aking mama ay nagpalipat-lipat na ako ng tirahan kaya hindi ako lumaki kasama ang aking mga kapatid.Dahil na rin sa hindi rin kami maasikaso ng papa ko noon dahil abala siya sa kanyang hanap-buhay.Ako ay lagging palipat-lipat ng tirahan noong ako ay nag-aaral ng elementary.At may mga pagkakataon pa na hindi ako nakakapasok sa paaralan kapag hindi dumarating ng maaga ang aking tiyahin mula sa trabaho dahil wala akong baon kapag hindi siya dumating ng maaga kinabukasan.
 |
Aileen kapaid kong pangatlo |
|
Marami ang hindi nakakaalam ng tunay na kwento nang aking buhay dahil akala ng marami ay ang isang Anabel Acapuyan maganda ang buhay na kanyang nakagisnan pero ang hindi alam nang marami ay dumaan din ako sa maraming pagsubok sa buhay. Lalong-lalo na sa piling ng mga kamag-anak naming. Nariyan ang lola ko na minamaltrato kami noong namatay ang mama naming. May mga pagkakataon na ako ay lumalaban sa lola ko dahil ayoko na nakikitang sinasaktan niya ang mga kapatid ko. Kaya noong pinapalo niya yung isa kong kapatid ay binato ko siya ng kutsilyo sa binti at siya ay nasugatan.At dahil dun sa ginawa ko ay pinalayas niya ako sa aming bahay,buti nalang at pinatuloy ako ng pinsan ko sa bahay nila nung araw na iyon.
 |
Michelle kambal ni Vanessa |
At dahil din dun sa ginawa kong yun ay marami ang nagsasabi na ako daw isang malditang bata dahil lumalaban daw ako sa matanda sa murang edad ko pa lamang.Pero sa aking pananaw hindi mali ang lumaban kung ang iyong mga kapatid ay inaabuso na ng iyong mga kamag-anak.Paminsan-minsan ako ay umuuwi sa bahay ng lola ko,pero umaalis din agad ako para bumalik sa bahay ng tiyahin ko.Pagkatapos nang aking graduation ay siya naming nagkataon na ang aking papa ay nagkaroon nang karamdaman.Siya ay ipinasya naming na siya ay dalhin sa ospital upang siya ay mabigyan ng unang lunas para sa kangyang karamdaman,ngunit sinabi sa amin ng doctor na ang kalagayan nang aming papa ay malubha na daw.Pero itinuloy pa rin namin na siya ay ipagamot.
 |
ako ay bagong dating sa bahay ng tita ko sa Maynila |
Pero sa kasamaang palad ang papa ko ay pumanaw pagkalipas nang tatlong buwan.Noong Mayo 31, 2000 sa ganap na ika-5 ng hapon ay binawian ng buhay ang papa ko na hawak-hawak niya ang aking kamay. Ako ay sobrang nalungkot dahil maka-ama po talaga ako. Dahil lahat nang gusto ko noon ay ibinibigay niya sa akin kahit na ayaw ibigay nang mama ko. At ditto naming naranasang magkakapatid yung hindi mo talaga alam kung kanino ka sasama o titira sa mga kamag-anak namin. Kaya ako ay napilitang tumigil muna sa pag-aaral para sa Sekondarya. Ako ay pinaluwas ng tiyahin kung si Mary Jane Pacag at pinangakuan niya ako na ako daw ay pag-aaralin niya. Ngunit noong malapit na ang pasukan ay hindi man lang niya inasikaso yung pagpasok ko sa paaralan. Bagkus ako ay ginawa lamang niyang taga-hatid nang kanyang mga anak sa paaralan at tuluyan na niya akong ginawang taga-alaga sa kanyang mga anak. Ako ay nagtagal din sa kanilang tahanan ng mahigit isang taon. At ako ay kinuha naman ng isa kong lola sa Makati City, pero hindi rin nila ako pinag-aral doon ginawa din lang nila akong utusan at madalas pa ay minamaltrato nila ako kapag sila ay nalalasing.Dahil kapag wala ako mailabas nap era para naipambili nila ng alak ay binubugbog nila ako.
 |
ako ay nasa bahay na ng lola ko sa Makati ito |
|
 |
Kuya ko |
|
Dito ay nakilala ko ang taong nagpapa-aral sa akin ngayon siya ang kuya Richard ko.May 3 anak na siya pero ako ay kinupkop, inalagaan, at inaruga na parang anak. Sa pamilyang ito ay naranasan ko ang pagmamahal ng magulang o kapamilya nang higit pa.Ako ay pinag-aral niya ulit.
At noong siya ay umalis papuntang ibang bansa ay umiyak ako dahil matagal ulit bago ko makita ang kuya ko.Pero okay na din daw yun dahil para maka-ipon daw siya nang pang –aral namin ng mga anak niya.At kahit nasa malayo siya ay sinisigurado niya na nasa mabuting kalagayan kami ng kanyang pamilya.
 |
Anak ng Kuya ko sina Rai,Jash at Jadie sa Sm Mall of Asia |
Ako ay pinag-aral niya sa isang paaralan sa Sta.Rosa Laguna. Dito ay marami akong naging kaibigan, naging malapit din ako sa mga guro sa paaralang ito.Marami din akong natutunan dito. Dito ko rin nakilala ang isa sa matalik kong kaibigan siya ay si Renalyn Gerodiaz.Madalas kaming nasa library kapag kami ay walang klase.At nagfield trip pa kami noon sa Gardenia,Yakult,Ninoy Aquino Parks and Wildlife,at sa PAG-ASA. Napakasaya nang fieldtrip namin dahil lahat ng mga kaklase ko noon ay kasama. Ang kukulit namin sa bus, yung iba naman ay hindi mapigilan ang pagsuka dahil hindi sila sanay bumiyahe ng malayo. Pagkatapos naman ng fieldtrip naming ay nagkaroon nang suring pelikula sa SM Sta. Rosa at kami ay muling nagpunta sa aktibidad na iyon kasama ang buong klase.At ako ay magsisikap na maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa susunod na pasukan.Para na rin sa aking kinabukasan at para sa aking mga kapatid na kailangan ko pang tulungan.At nawa ito ay aking matupad lahat.At nang sa gayun kapag ako ay handa ng magkaroon ng pamilya ay mayroon na akong maayos na hanap-buhay at nasa maayos nang kalagayan..Kaya kailangan ko talagang magtagumpay dumating man ang maraming pagsubok sa aking buhay.. Ito ay kailangan kong malampasan.Hanggang dito muna ang aking talambuhay.Nawa ako ay magtagumpay na matupad ang aking mga pangarap.
 |
with Junnie |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento