Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Kwento ng Aming Buhay

  Ang Talambuhay ni Shiara Mae Dausin Sabirin 
 (Ang Talambuhay ng  isang Batang Umaasa at Nangagarap)

Sa pagsapit ng isang bagong umaga sa ganap na Ika 12:30 ng madaling araw noong Agosto 6, 1994. Isinilang ang isang bata na nagngangalang Shiara Mae Dausin Sabirin sa isang pampublikong pagamutan sa Lungsod ng San Pablo. Kasabay sa aking pagsilang ang pagbuhos ng napakalakas na ulan, kaya’t sa aming higaan kami ng aking ina ay naampiyasan dahil sa sirang bintana ng pagamutan.

1st birthday ko
    Ang aking ama ay si Asir Mudan Sabirin na anak nina Marjon Sabirin at Madjusa Mudan na kapwa mga muslim na naninirahan sa probinsya ng Maluso, Basilan. Ang aking ina naman ay si Shirley Espinoza Dausin anak nina Arturo Estrella Dausin at Nene Ticson Espinoza na kapwa naninirahan sa Lungsod ng San Pablo.
mga magulang ko

            Ang sabi sa akin ng aking ina noong ako ay sanggol pa ay napakabait na bata at bihira lamang akong umiyak. Akala nga daw ng aking isang lolo ako ay isang pipi kasi hindi nila ako naririnig na umiiyak.

bulilit
Bago pa man daw ako mag-isang taon ay nakahihimig na ako ng kanta at sa gulang na dalawa ako ay nakakakanta na. Ang aking unang natutuhan ay ang kantang “You Are My Song” ni Regine Velasquez. At sa pagsapit ko sa gulang na tatlo ay nabigyan ako ng pagkakataon na makakanta sa simbahan sa kasal ng aking isang tiyahin  at kinanta ko dito ang kantang “My Heart Will Go On”. Ngunit kasabay ng aking mga nagagawa ako ay nagtataka kung bakit kami ay hindi isang kompletong pamilya, ako lamang at ang aking ina, yun pala nagdadalang tao pa lamang ang aking ina kami ay iniwan na kami ng aking ama. Simula noon kami ng aking ama ay hindi pa nagkikita. Gayun man kahit si mama ay nag-iisa nabigyan niya ako ng magandang buhay at naibibigay naman niya ang aking mga pangangailangan, ginampanan niya ang pagiging ama at ina sa akin.

dalawang taong gulang ako
     Nagsimula akong mag-aral noong ako ay mag-aanim na taong gulang, sa isang Day Care Center at dito ay nakamit ko ang ikatlong karangalan.

elementarya
    Sa pagtuntong ko sa elementarya dito’y unti-unti kong nailabas ang aking mga talento. Nakakalahok ako sa mga kompetisyon gaya ng  sa larangan ng palaro, akademya, tula, sayaw, banda, at higit sa lahat sa pag-awit. Noon kilala ako bilang manlalaro ng kasibulan sa football. Nasa unang baitang din ako noon ng matuklasan ng aking guro na marunong akong umawit. Naatasan kaming maglinis ng banyo ng silid at habang naglilinis kami ay umaawit ako, narinig ako ng aming guro kaya’t kinabukasan ay pinakanta ako sa aming klase. Dito nag umpisa ang lahat, sa bawat palatuntunan ng aming paaralan ay kumakanta ako at kung minsan ay sumasayaw pa. Noong nasa ikatlong baitang ako may malaking palatuntunan na sa aming paaralan ginanap, ang Deped Night. Lahat ng paaralan na nasasakupan ng baranggay ay magpapalabas ng gabing iyon. Sa pagkakataong iyon napahanga ko ang lahat ng aking guro sapagkat nakakanta ako kahit na ako ay may beke(mumps). Nakilala ako hindi lamang sa aming paaralan kundi sa maramin pang lugar dito sa San Pablo Laguna. Kumanta rin ako sa plaza noong pista ng San Pablo at dito ko nakasamang magtanghal si Sam Concepcion.


    Hindi lamang pag awit ang prayoridad ko noon, lumalaban din ako sa tula, sayaw, at syempre sa akademya. Bilang kinatawan ng San Pablo City napadala kami sa 3rd Red Cross National First Aid Olympics na ginanap sa Sta. Cruz, Laguna. At kahit madami akong sinalihan noon pinipilit ko paring mapataas ang aking mga marka. Ngunit noong nasa ika-anim na baitang ako, nawala ako sa hilera ng mga honor, sapagkat maraming beses akong liban sa klase dahil nagsasanay kami sa paggawa ng journal dahil lalaban kami sa Regional School Press Conference. Hindi man ako pinalad na mapasama sa hanay ng mga honor marami parin akong natanggap na medalya at sertipiko sa pagtatapos ko sa elementarya. At ang pinakamagandang natanggap ko noon ay ang Girl Scout of The Year, Journalist of The Year at ang aking diploma dahil sa ito ay  pinaghirapan ko sa loob ng anim na taon.
recognition day


      At nang pumasok ako ng sekondarya marami ang nagbago sa akin. Ang lahat ng nakasanayan ko ay unti-unti nang nawala. Panibagong muka,  paligid, kaibigan, guro, at paraan ng pag-aaral. Lahat bago sa akin, sa una nahihirapan ako dahil hindi ko pa alam ang buhay hayskul pero hindi rin nagtagal dumami narin ang naging  kaibigan ko at dumali na para sa akin ang paraan ng pag-aaral. Gumawa ako ng paraan para magawa ko parin ang mga nakasanayan ko nung elementarya, ngunit hindi na ako pinapayagan ng aking ina na sumali sa mga aktibidades sa paaralan at tanging pagkanta na lamang ang natira sa akin. Noong nasa unang antas ako sa sekondarya, nabigyan ako ng pagkakataon na makaduet si Sam Concepcion, at dito nagsimula akong makilala sa Dizon High. Mas marami akong nasalihang kompetisyon noong nasa ikalawang antas ako, at sa awa ng Diyos naipanalo kong lahat. Ang pinaka tumatak sa akin ay ang Florante at Laura, ang paglaban ko sa badminton, Ang kasiglahan Todo Bigay na pakontes ng kasalukuyang Mayor Vic Amante, at ang San Pablo Idol, ang kauna-unahang titulo na aking natanggap na pakontes ng dating Vice Mayor Martin Ilagan.

kumanta kami ni sam nung 1st year ako
kasiglahan todo bigay
san pablo idol season 2
i'm with angelica jones
    Ang San Pablo Idol Season 2 ang pinakamasaya, nakakalungkot, at nakakakaba na kompetisyon na aking nasalihan. Ilang buwan ang kompetisyon na ito. Nagsimula kami sa mahigit limampung mang-aawit at unti-unting naubos hanggang matira ang top 20. Halos linggo linggo ay naglalaban laban kami sa Ultimart Shopping Plaza dito sa San Pablo. Sa unang sabak ko dito ay hindi ako pinalad na makakuha ng dalawang bituin. Binigyan nila ako ng isa pang  pakakataon at tinawagan nila ako at napasama ako sa set ng Call Back Singers, kaya’t sa pangalawang pagkakataon ginalingan ko na kaya nakapasok ako sa second round. At mula ng mapili ang top 20 dumami na ang aking mga napupuntahan na pistahan dahil palagi kaming panauhin dito. Para na kaming artista dito dahil sa gumagawa kami ng music video, nagkokonsiyerto, guestings, motorcade at tour sa iba’t ibang paaralan at marami pang iba. Noong malapit na ang finals namin sobrang abala na kami, halos araw-araw 12:00am na ako umuuwi para lamang makapagensayo nang aming kakantahin. Pag awas sa klase at pagkatapos ng ensayo sa isports, kanta naman ang ineensayo ko sa gabi. Pero bago pa man sumapit ang aming finals sa gitna ng pageensayo ko namatay ang aking lolo. Sa mga panahong iyon iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang laban o hindi na, pero sinabi sa akin nang aking ina na kahit ano pa man daw ang nagyari sa amin ipagpatuloy ko ang laban, kaya’t itinuloy ko at ginawa kong inspirasyon ang aking lolo. Lumaban ako na nakaburol ang aking lolo, bago pa man ako umalis ng bahay humingi ako ng tulong sa kanya at sa pagkakataong iyon pinagbigyan niya ako. Noong nasa ikatlong antas naman ako sumali ako sa Anilag Singing Contest sa Sta. Cruz, Laguna at napalathala ako sa pahayagan ng aming paaralan . At ngayong huling taon ko na sa hayskul sinulit ko na ang bawat araw na inilalagi ko dito. Maraming kompetisyon din ang nilalabanan ko at ng aming klase ngayon. Hindi man sa lahat ng pagkakataon ay nananalo ako,ginagawa kong inspirasyon ang aking pagkatalo upang sa gayon ay mas galingan ko pa sa susunod na kompetisyon. Sa ngayon abala kami sa mga requirements bilang mga magtatapos sa taong ito at sa nalalapit na konsiyerto sa aming paaralan. Kaya’t sa ngayon umaasa parin ako na sana ay makita at makilala ko ang aking ama at sana ay mabigyan ako ng tamang panahon at pagkakataon na matupad ang aking mga pangarap.
pangarap ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento