Lunes, Marso 28, 2011

Ang Talambuhay ni Reginae De Castro

6 months ako

                Ako si Strelizia Reginae B. De Castro o mas kilala bilang si Reginae. Isinilang ako noong Nobyembre 29, 1994. 16 na taong gulang. Anak nina Ferdinand at Evelyn De Castro. Ako ay bunso sa limang magkakapatid. Masasabi ko na ako ay palakaibigan, makwento, palabiro at mabait na bata. For sure di ka maiinip o mababagot pag ako ang iyong isinama kung saan-saan dahil medyo gala din ako. Ilang halimbawa lang yan kung sino ako. Mas magiging maganda siguro kung makikilala niyo pa ako sa personal upang lubos niyong malaman kung sino talaga ako.
                Pamula sa aking pagkabata, ako ay napahiwalay sa aking tunay na mga magulang. Sa kadahilanang ako ay hiniram ng aking tiyahin, nakatatandang kapatid ng aking ina sa kanilang tatlong magkakapatid. Hindi mabiyayaan ng sanggol ang aking tiyahin ng mga panahong iyon. Sa kagustuhang magkaroon ng anak at may mapagkaka-abalahang bata, nagdesisyon silang mag-asawa na ako ay hiramin sa aking mga magulang. Pumayag naman ang aking mga magulang sa kasunduang ibabalik din ako kaagad pagkatapos ng ilang buwan. Ayun! Kinuha nila ko sa ospital noong kakapanganak ko pa lamang at inuwi nila ako sa kanilang tahanan.
                Lumaki ako sa probinsya ng Bulacan. Ang kasunduang pinag-usapan ay hindi nasunod. Hindi ako ibinalik ng aking tiyahin sa aking mga magulang. Tinuring nila ako bilang isang tunay na anak. Sa katunayan pa nga “mama at papa” ang tawag ko sa kanila. Halos lahat ng pangangailangan ko ay sila ang tumugon. Bilang ganti, minahal ko sila at tinuring ko silang mga tunay kong magulang.
8 months ako
                Sa aking pag-laki, hindi naman nila nakaligtaang ipaalala at sabihin sa akin kung ano ba talaga ako at kung sino ang tunay kong pamilya. Halos sila ang nakasaksi at unang nakakita ng mga pagbabago ko habang ako ay lumalaki. Sila din ang unang nakadinig ng mga salitang una kong binigkas.
                Lumipas ang isang taon at sa wakas nabiyayaan din sila ng anak at nasundan pa ulit ng isa pagkaraan ng dalawang taon. Naging mas masaya dahil sa may mga kapatid na ako. Hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Ako ang nagsilbing panganay na anak at kapatid nila. Nagturingan kaming lahat na parang isang tunay at buong pamilya.
                Pinag-aral nila ako sa isang kilalang eskwelahan pang-pribado sa Baliuag,Bulacan. Simula noong Kinder ako hanggang Grade III. Kapalit noon, nag-aral akong mabuti para sa kanila. Napapasama ako sa top 10 at honors ng eskwelahan noong panahong iyon. Naaalala ko pa nga na sa tuwing kuhanan ng card ay nagpapataasan pa kami ng average grade ng aking kapatid. Kumakain din kami sa labas at namamasyal palagi para naman makapag-bonding at makapag-liwaliw. Halos madami na din akong npuntahang mga lugar tulad ng Cebu, Baguio at Bataan. Ang pagpunta sa mga lugar na aking nabanggit ay napaka-memorable at hindi ko makakalimutan sapagkat napaka-saya ko at naaliw ako nang sobra-sobra.
                Malaki ang pagpapasalamat ko at sila ang naging katuwang ko at naging parang tunay kong pamilya. Pero kahit ganito, hindi ko pa din kinakalimutan ang aking mga tunay na magulang at kapatid sa Laguna. Bumibisita naman kami palagi doon tuwing matatapos ang school year at doon na rin kami nagbabakasyon.
                Dumating na yung araw na kinailangan na nila kong ibalik sa aking tunay na mga magulang dahil nais ng aking tunay na ina ang aming pamilya. Hindi naman ako pinagdamot at tuluyan na din akong sumama sa kanila. Naging mahirap para sa akin ang mga pangyayari. Noong una ay hindi ako sang-ayon sa kanilang naging desisyon, pero wala akong magawa dahil sa bata pa ko. Mas gusto ko kasi na kasama ang aking tita, ang nag-palaki sa akin. Alam kong mali iyon dahil nasasaktan ko ang aking pamilya kaya’t sumama nalang ako sa kanila. Tumagal ako sa aking tita nang halos sampung-taon. Hindi din biro ang ganoon katagal kaya’t ganun nalang ang pagtanggi ko na sumama sa aking tunay na magulang
                Pagdating ko sa Laguna,nanibago ako sa aking paligid. Ang laki kasi ng pagkakaiba sa mundong gigalawan ko dati kesa ngayon. Ginawa lahat ng aking mga magulang ang kanilang makakaya upang mapalapit ang damdamin ko sa kanila. Di nagtagal natutunan ko nang makisalamuha sa kanila. Naging masaya naman ako sa piling ng tunay kong pamilya at ayon tuluyan ko na silang natanggap na makakasama ko habang buhay.
                Nagtapos ako ng elementarya sa San Pablo Central School taong 2005-2006. Nung mga panahong panahong iyon, naging masayang-masaya ako sapagkat matatanggap ko na ang aking diploma at higit sa lahat ay magiging high school na ako. Pagkatapos na pagkatapos ko ng elementarya kumuha ako ng mga entrance at scholarship exam sa iba’t-ibang paaralan. Swerte ako at nakapasa ako sa exam para makabilang sa Science Curriculum sa paaralan ng Dizon High School.
slolen shot nung 3-science ako
                Sa pagtungtong ko ng high school maraming mga pagbabago ang nangyari at aking naranasan sa buhay. Ayon naging masaya ako sa mga kaklase ko at kaibigan. May mga pagsubok lang talaga na Nkinahaharap pero nareresolba ko naman. Lumipas pa ang ilang taon at magiging fourth-year na ako. Sa di inaasahang pangyayari ako ay nabigo sapagkat ako ay natanggal sa Science section, siguro sa akin ding kapabayaan dahil ako ay malimit na late sa pagpasok. Halos nanatili ako sa seksyong iyon ng tatlong taon ngunit kinakailangan talagang magtanggal ng ilang estudyante at ako ay napalipat sa pangkat A.
4-ablaze (uniform mode)
                Sa una ay nahirapan akong tanggapin dahil hindi din biro na napahiwalay na ako sa mga dati kong kamag-aral at lalo na sa aking kaibigan at kabarkada. Hindi naman din kasi biro ang aming pinagsamahan dahil dito nahubog ang pagiging ako. Dumating ang araw ng pasukan at nasa ikaapat na antas na ako. Kinailangan kong tanggapin ang katotohanan. Bagong mga kamag-aral, panibagong samahan at pagpapakilala ng aking sarili sa mga taong nasa aking paligid.
mini olympics (stolen shot sa iba sa akin hindi)
                Inakala kong magiging mahirap para sa akin ang makisama at makisalamuha sa kanila ngunit mali pala ang aking akala.  Naging madali para sa akin ang makisama at makibagay sa kanila dahil sila ay mababait at mga palabirong kamag-aral. Siguro sa tulong na din ng aking kaugalian at karakter kung kaya’t naging madali lang talaga para sa akin. Nakakilala ako ng mga bago kong kaibigan, halos lahat naman ng 4-A na aking kaklase ay naging malapit sa akin. Ang mga kaibigang mapagkakatiwalaan, maasahan at masasandalan sa pagdating ng mga problema sa aking buhay. Naging sobrang saya ko sa bago kong kapaligiran at bagong mga kaklase.
                Ngayon na nalalapit na kaming magtapos, susulitin ko na ang mga araw na sila ay kasama ko at magpapasalamat ako sa paaralang Dizon High sapagkat naging masaya ang aking highschool life. Kung mababasa nyo ang aking talambuhay masasabi nyong magulo at pa-easy-easy lang ako pero kung kayo ang nasa kalagayan ko magegets nyo siguro ako at maiintindihan.
                Panibagong bukas na naman ang aking haharapin pagkatapos ng lahat ng ito. Salamat 4-ABLAZE sa lahat ng memories. GOODLUCK sa ating lahat!!!!   
my best picture :)

Linggo, Pebrero 20, 2011

.Ang Talambuhay ng isang Jelyn Joy Llorico Llagas.

Nung bata pa lang ako.


Ako at ang ninang ko.
      
                                                                   
                Ako si Jelyn Joy Llorico Llagas. Ipinanganak noong Enero 30, 1995 sa Ospital ng San Pablo City.Habang ako ay ipiagbubuntis ng aking ina, sila ay nakatira pa noon sa Bagong Silang. At lumipat na dito sa San Pablo City para magsimula ng panibagong buhay. Madalas akong tawaging jelyn,jelyntot,lagas,inday,at marami pang iba. Ninang ko ang nagbigay ng pangalan ko sa akin. Ang aking mga magulang ay sina Arieste Revilleza Llagas at Virginia Llorico llagas. Kami ay tatlong magkakapatid. Ang panganay sa amin ay si Jamaica L. Llagas. Ngayon, siya ay nasa kolehiyo na. Ang kanyang kinuhang kurso ay nursing dahil ito ang nakahiligan niya nung kami ay mga bata pa lamang. Ako ang sumunod sa kanya at ako ngayon ay malapit ng magtapos ng haiskul. Ang bunso ko naming kapatid ay si Jamilyn L. Llagas. Medyo malaki ang agwat n gaming edad dahil siya ngaun ay siyam na taong gulang pa lamang at nasa ikaapat pa lamang na baitang.

Ito ang aking ama.

                                                                                                       
                                                                   

Kaming magkakapatid.

                           
                         Noong ako ay bata pa lamang, mahirap pa ang aming buhay. Wala kaming sariling bahay at kami ay nakikitira lamang sa mga kamaq-anak na aking ama. Marami ang nag-alaga sa akin noong ako ay bata pa lamang. Sinabi sa akin ng aking ina na palagi daw may nanghihiram sa akin na mga kapit-bahay nila noon dahil gusto daw akong alagaan ng mga ito at dahil natutuwa daw ang mga ito sa akin. Minsan pa nga daw ay palagi akong hinahanap ng aking lolo kaya agad itong napunta sa amin. Binubuhat daw ako nito kahit ito ay lasing at palagi akong itinatakbo sa labas ng aming bahay kaya’t palaging nakasunod ang aking ina kapag ako ay kinukuha nito dahil siya daw ay natatakot at baka kung anung mangyari.

Nung nakatapos na ako ng kinder.

                     
                          Noong ako ay kinder na, lumipat kami ng tirahan dahil marami ng nakatira sa bahay na aming tinitirahan. Tatlong pamilya kaming nakatira doon kaya’t napilitan ang mga magulang ko na mangupahan. Malapit lang ang pinapasukan ko noon sa aming bahay kung kaya’t hindi nahihirapan ang aking mga magulang sa paghahatid at pagsundo sa akin. Noong ako ay nagsisimula pa lamang sa pagpasok, takot akong makipag-usap sa ibang bata dahil hindi ako sanay na makihalubilo sa ibang tao. Ngunit nagawa ko rin naming makisama sa iba nung tumagal na. Sa nilipatan naming bahay, katabi nito ang bahay ng mga kinakapatid ko. Palagi akong nasa kanila at kung minsan ay inaabot ako ditto ng gabing-gabi dahil masiyado akong nawiwili sa paglalaro. Gustong-gusto kong palaging nasa kanila dahil malaki ang kanilang bahay at dahil marami silang mga laruan. Masiyado akong pakialamera noon pag ako ay nasa kanila. Minsan ay may nakita akong mga shell ng itlog sa may lababo nila. Kinuha ko ang mga ito at itinapon ko sa kanal. Hindi ko alam na kailangan pala ito ng isa kong kinakapatid dahil gagamitin pala niya ito para sa kanyang proyekto. Napagalitan ako noon at ako ay nahihiya ng pumunta sa kanila dhil sa nagawa kong ito. Hindi nagtagal at bumalik na ulit kami sa dati naming tirahan. Nagkatrabaho na noon ang aking ama bilang konsehal sa aming barangay. Ang ina ko naman noon ay nagtitinda ng inihaw sa may kalsada.

                         Bilang isang bata, madami akong bagay na ginawa noon sapagkat ako ay masiyadong “curious” sa mga ito. Minsan kumain ako ng orange. Ako ay nabanguhan sa balat nito kung kaya’t inilagay ko ang mga ito sa ilong ko. Buti na lamang at napansin ito ng tiya ko at agad na tiningnan kung anung meron sa aking ilong. Natanggal naman niya ito lahat at ako ay napagalitan niya. Pagkatapos nito, buto naman ng dalandan ang nilagay ko at sa tenga ko naman ito inilagay(haha). May nakakita sa akin noon at ako ay sinuway nito agad at sinabing hindi ko daw ito dapat ilagay sa tenga ko sapagkat baka daw kung anung nangyari at baka daw bumara ito ditto. Madalas din akong nanghuhuli noon ng butiki dahil natutuwa ako sa mga ito. Pinapakawalan ko din naman agad pagkatapos ko silang hulihin. Naqawa ko ding mag-opera ng daga noon. (Yuck! haha)
                        Masasabi kong mahirap talaga ang buhay namin noon dahil hindi naman sapat ang kinikita ng aking mga magulang. Madalas silang nangungutang ng pera o kaya ng makakain sa katabi naming tindahan dahil wala talaga silang maipakain sa amin. Kahit sa pang-bili lamang ng aming mga damit at gamit sa eskwelahan ay inuutang pa nila. Kapag binibigyan ako ni mama o kaya ni papa ng oiso ay natutuwa na agad ako at pupunta na agad sa tindahan para bumili ng lollipop o kung anumang candy na magustuhan ko. Ang madalas naming laruin noon ng mga kaibigan ko ay bahay-bahayan,lutu-lutuan,taguan,takutan at kunq anu-anu pa. Kung minsan naman ay si papa ang nagiging kalaro naming ng ate ko. Palagi niyang sinusuot ang daster ng mama ko tapos ay naglalagay din siya ng “mena” sa kanyang muka. Putting-puti ang muka ni papa kung kaya’t natatakot kami sa kanya. Hinahabol niya kami kaya kami naman ay unahan na sa pagtakbo at kung minsan ay nadadapa pa. pag kami ay nahuli ni papa, sigaw na kami ni ate ng napakalakas(hahaha). Naging matatakutin kami nung kami ay bata pa lamang dahil palagi kaming kinukwentuhan ng aking papa ng mga naranasan niya nung sya ay bata pa lamang. Hindi kami kailanman nagawang pagbuhatan ng kamay ni papa kung kaya’y iba ang nagging pagmamahal ko sa kanya.
                          Nagkaroon kami noon ng alagang aso. Mula pa nung bata kami ay alaga na siya ng aking papa. Itinuturing na din niya ito bilang anak at bilang kapatid na din namin. Kahit nga sa pagkain ay kasalo ito ni papa. Mahal na mahal namin ang asong ito dahil naging kalaro namin siya ng ate ko. Minsan ay nagkasakit na ito dahil sa sobrang katandaan. Umalis kami noon ng tatlong araw at kailangan namin siyang iwanan dito. Pagkabalik namin, naabutan na lamang namin siyang nahihirapan na at hindi na nito magawang makatayo o malakad man lang. Kaagad itong nilapitan ni papa at hinimas ang ulo at ang katawan nito. Ilang oras lang din at namatay na din ito. Hindi napigilan ng aking ama na mapaiyak dahil sobra niya itong minahal. Kahit kami ay umiyak din noon.  Marahil ay inintay lang kami nito bago siya mamatay. Inilibing ito ng papa ko sa tapat ng aming bahay. Mula noon ay hindi na kami nagkaroon ng alaga.
                       Nang ako ay magsimula ng pumasok sa unang baitang, natatakot ako kapag iniiwanan na ako ng aking papa sa aming silid dahil natatakot ako noon sa aking guro. Naaalala ko noon na sa tuwing kami ay pababasahin, ako ay palaging kinakabahan sapagkat hindi na ako masiyadong magaling magbasa. Dito ko rin nakilala ang first crush ko(hahaha! Ang kire ii). Palagi kami nitong magkasama at kung minsan ay palagi pa kaming magkalaro. Masaya ako kapag magkasama kami pero lumipat siya noon ng ibang paaralan kung kaya’t hindi ko na siya nakita pang muli. Ako ay madaldal nung ako ay bata pa kaya’t nunh minsan ay napagalitan ako ng aking guro at pinatayo ako nito sa unahan ng aming klase at sinabi niya na hindi daw ako pwedeng umalis doon hangga’t wala siyang sinasabi. Para ako ay kaniyang paupuin, nagkalat ako ng chalk sa aming sahig. Nakita ito n gaming guro at ako ay napagalitan na naman niya pero ako ay pinaupo na niya. Naranasan ko din dito ang makipag-away. Nakaaway ko ang isang estudyante na katabi n gaming silid. Nagalit siya sa akin dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya tapos inasar ko pa siya kaya naman sinabunutan ako nito at nauwi sa pag-aaway sa tapat ng aming silid. Wala an gaming mga guro noon dahil merong meeting ang mga guro. Umiyak ako noon dahil ang sakit ng sabunot niya sa akin. Isinumbong ko siya sa kanyang guro at siya ay napagalitan nito. Tuwang-tuwa ako dahil kitang-kita ko habang siya ay pinapagalitan. Masasabi kong ako ay isang malditang bata noon pero nabao ko naman ito at hindi na naulit ang pakikipag-away ko. Naging makaibigan naman kami nung aking nakaaway dahil humingi ako ng tawad sa kanya. Alam ko naman kasing ako ang may asalanan kaya humingi ako ng tawad sa kanya. Naging Model Pupil ako noon sa amin dahil paborito ako ng aming guro. Sinabitan ako ng medalya at tuwang-tuwa ang mga magulang ko dahil dito.
                      Noon namang ako ay nasa ikalawang baitang na, naging paborito na naman ako ng aking guro noon at ako ang kanyang pinagkakatiwalaan. Kapag wala siya, ako ang inuutusan niya para magbantay sa aking mga kaklase. Taga-lista ako noon ng maiingay dahil ayun ang ipinagbibilin niyang gawin ko.
                      Sa ikatlong baitang naman, naging mahilig ako sa pagsasayaw. Kapag may mga okasyon, ako at ang aking ibang kaklase ay palaging nagbubuo ng sayaw para magkaroon naman ng konting kasiyahan. Tuwing tanghali, lagi kaming naglalaro ng “sikyo” sa tapat n gaming klase. Napapagalitan tuloy kami ng aming guro.
                      Sa ikaapat naman na baitang, naging masikap ako sa aking pag-aaral kung kaya’t palagi akong nangunguna sa aming klase. Palagi akong Top1 noon. Ako din ang naging secretary sa aming section noon kaya ako lagi ang taga-sulat n gaming guro. Palagi din akong nauutusan na maglista ng mga maiingay kapag siya ay may kailangang puntahan o asikasuhin. Naging tagapalo din ako noon. Pinapalo ko ng stick sa kamay ang mga kaklase kong napapalista para naman sila ay matuto. Kapag Christmas party, ako din ang nag-aasikaso ng aming mga gagawin. Ako ang nagawa ng mga palaro at ako din ang nabili ng mga papremyo para sa mga mananalo. Ako din ang napili ng aming guro para maging Model Pupil kunha kaya’t nasabitan na naman ako ng medalya.
                   Noong nasa ikalimang baitang naman ako, medyo nahirapan na ako dahil naging mataas na ang aking seksyon at hindi ko na nagawang manguna sa aming klase. Naging Top8 na lang ako noon pero ayus lang un sa akin dahil alam ko namang ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Naaalala ko noon habang ako ay nagsusulat sa pisara, hinila ng aking guro ang aking jogging pants kung kaya’t nakita ng iba kung mga kaklase ang aking underwear at sila ay nagtawanan. Buti na lang at kulay pink ang suot kung underwear noon dahil ang gusto ng guro naming ay palaging pink ang suot na underwear.
                  Dito ko nakilala ang mga naging tunay kung kaibigan. Sila ay sina Gladys,Maricris,at Rañella. Masaya ako dahil nakilala ko sila at dahil dumating sila sa buhay ko.
                 Noong ako ay nasa ikaanim na baitang na, nagkaroon ng pagkakataon ang aking ama para makapagtrabaho sa ibang bansa. Nakapunta siya sa South korea at malaki ang naitulong nito sa aming pamilya. Hindi nagtagal ay nagkaroon naman ng malubhang karamdaman ang aking panganay na kapatid. Nagkaroon siya ng komplikasyon sa kidney kaya’t naging mabigat itong problema para sa aming pamilya. Mabuti na lamang at nakaalis na noon si papa. Kung hindi, baka nawalan na ako ng panganay na kapatid dahil wala naman kaming pampapagamot sa kanya. Palaging iniluluwas ang aking kapatid sa maynila upang doon magpagamot. Malaki ang nagastos ng aking mga magulang para sa kanyang pampagamot dahil madaming proseso ang ginawa sa kanya ng mga ito. Naaawa ako noon sa ate ko dahil kitang-kita ko kung paano siya pinahirapan ng kanyang karamdaman. Malaki ang utang na loob naming sa Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang kapatid ko.
                   Noong graduation naming ng grade 6, naging malungkot ito para sa amin at siyempre para sa aming magkakaibigan. Magkakahiwa-hiwalay na kasi kami pero hindi naman talaga ito maiiwasan at kailangan din naman naming makakilala ng iba pang mga tao para maging bahagi n gaming buhay. Alam naman naming magkikita-kita pa din kami pero siyempre mag-iiba na ang pakikitungo naming sa bawat isa. Maaaring hindi na rin magpansinan minsan kasi nakakahiya na o nakakailang na din na magbatian.

Litrato nung aming graduation.

                  Ang buhay haiskul para sa akin ay napakasaya. Dito ko naranasan ang iba’t-ibang bagay na lalo pang nagpaganda ng aking buhay. Halimbawa na nito ay pakikilahok sa aming field demo,ang paglaban namin para sa pagsasadula ng Ibong Adarna nung 1st year, paglaban sa nutri  jingle,paglaban sa Florante at laura nung 2nd year,pagsali sa mini Olympics ngayong 4th year,pagsali sa js nung 3rd at ngayong 4th year at madami pang iba. Dito ko din nakilala ang mga naging kaibigan ko hanggang ngayon. Sila ay sina Elaine,Reychelle,Sharmaine,Shiara,Anjanette,at Jazzy. Masasabi kong kung wala sila, hindi magiging ganito kaganda ang mga nangyari sa akin. Mula 1st hanggang 4th year ay magkakaklase kaming magkakaibigan. Kami ay kabilang sa pangkat A. Halos kami din ang magkakaramay kapag may pinagdadaanang mabigat na problema ang bawat isa sa amin. 
                                                           
<>
<>
<>
kuha nung aming JSprom.
 
Ako ngayong 16 years old.
                                                                  

                 Marami akong pangarap na gusto kung matupad. Pero simple lag talaga ang gusto ko. Ito ay ang maiahon ko ang aking pamilya sa kahirapan at ang mabigyan sila ng magandang buhay. Nais ko lamang na masuklian ang mga paghihirap na kanilang ginawa para sa aming magkakapatid. Kaya hindi ako susuko hangga’t hindi ko ito nagagawa.
                    Hanggang dito na lamang ang aking talambuhay J .

Sabado, Pebrero 19, 2011

Talambuhay ni Anabel Cenence Acapuyan ( Ang Mataray na Dalaga ngunit Marunong Makisama at Pala-kaibigan)



simply me  :)
Ako si Anabel Cenence Acapuyan tinatawag ako ng na Belle,Ana,Anne,Bhelai,at minsan Bhe.Isinilang ako noong ika-9 ng Pebrero, taong 1990 sa ganap na ika-3 ng umaga. Ang mga magulang ko ay sina Myrna Cenence Acapuyan at Rodolfo Bagayas Acapuyan. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Ang aking ama ay may sariling sakahan noon. At ang aking mama ay nagtatrababo sa isang ospital sa Paoay, Ilocos Norte kasama niya ang pinsan na doctor.May apat akong kapatid na babae sila ay sina Vanessa, Michelle,Aileen at Joanalyn.

2 buwan lamang ako dito

 Ako ay nagsimulang mag-aral noong ako ay tatlong taon lamang. At ako ay pinalad na matanggap sa unang baiting noong ako ay mag-aanim na taon pa lamang sa Paaralang Elementarya ng Lang-ayan Currimao, Ilocos Norte. Sa bawat araw at taon na ako ay nag-aral dito ay marami ang magagandang nangyari sa akin at marami akong natutunan. Ako ay isa rin sa mga estudyante sa paaralang ito na nagkamit ng mga karangalan at mga medalya.Ako ay nagtapos ng ika-6 na baitang na may karangalan pangalawa ako sa pinaka-matatalinong estudyante na mga nagsipagtapos sa taong iyon.






kapatid ko si vanessa

Ako ngayon at ang aking mga kapatid ay ulila nang lubos. Namatay kasi an gaming mama noong ako ay 9 na taon lang at ako ay kasalukuyaang nasa ika-apat na baitang noon. Noong namatay ang aking mama ay nagpalipat-lipat na ako ng tirahan kaya hindi ako lumaki kasama ang aking mga kapatid.Dahil na rin sa hindi rin kami maasikaso ng papa ko noon dahil abala siya sa kanyang hanap-buhay.Ako ay lagging palipat-lipat ng tirahan noong ako ay nag-aaral ng elementary.At may mga pagkakataon pa na hindi ako nakakapasok sa paaralan kapag hindi dumarating ng maaga ang aking tiyahin mula sa trabaho dahil wala akong baon kapag hindi siya dumating ng maaga kinabukasan.
Aileen kapaid kong pangatlo
 Marami ang hindi nakakaalam ng tunay na kwento nang aking buhay dahil akala ng marami ay ang isang Anabel Acapuyan maganda ang buhay na kanyang nakagisnan pero ang hindi alam nang marami ay dumaan din ako sa maraming pagsubok sa buhay. Lalong-lalo na sa piling ng mga kamag-anak naming. Nariyan ang lola ko na minamaltrato kami noong namatay ang mama naming. May mga pagkakataon na ako ay lumalaban sa lola ko dahil ayoko na nakikitang sinasaktan niya ang mga kapatid ko. Kaya noong pinapalo niya yung isa kong kapatid ay binato ko siya ng kutsilyo sa binti at siya ay nasugatan.At dahil dun sa ginawa ko ay pinalayas niya ako sa aming bahay,buti nalang at pinatuloy ako ng pinsan ko sa bahay nila nung araw na iyon.
Michelle kambal ni Vanessa
At dahil din dun sa ginawa kong yun ay marami ang nagsasabi na ako daw isang malditang bata dahil lumalaban daw ako sa matanda sa murang edad ko pa lamang.Pero sa aking pananaw hindi mali ang lumaban kung ang iyong mga kapatid ay inaabuso na ng iyong mga kamag-anak.Paminsan-minsan ako ay umuuwi sa bahay ng lola ko,pero umaalis din agad ako para bumalik sa bahay ng tiyahin ko.
Pagkatapos nang aking graduation ay siya naming nagkataon na ang aking papa ay nagkaroon nang karamdaman.Siya ay ipinasya naming na siya ay dalhin sa ospital upang siya ay mabigyan ng unang lunas para sa kangyang karamdaman,ngunit sinabi sa amin ng doctor na ang kalagayan nang aming papa ay malubha na daw.Pero itinuloy pa rin namin na siya ay ipagamot.
ako ay bagong dating sa bahay ng tita ko sa Maynila
Pero sa kasamaang palad ang papa ko ay pumanaw pagkalipas nang tatlong buwan.Noong Mayo 31, 2000 sa ganap na ika-5 ng hapon ay binawian ng buhay ang papa ko na hawak-hawak niya ang aking kamay. Ako ay sobrang nalungkot dahil maka-ama po talaga ako. Dahil lahat nang gusto ko noon ay ibinibigay niya sa akin kahit na ayaw ibigay nang mama ko. At ditto naming naranasang magkakapatid yung hindi mo talaga alam kung kanino ka sasama o titira sa mga kamag-anak namin. Kaya ako ay napilitang tumigil muna sa pag-aaral para sa Sekondarya.
Ako ay pinaluwas ng tiyahin kung si Mary Jane Pacag at pinangakuan niya ako na ako daw ay pag-aaralin niya. Ngunit noong malapit na ang pasukan ay hindi man lang niya inasikaso yung pagpasok ko sa paaralan. Bagkus ako ay ginawa lamang niyang taga-hatid nang kanyang mga anak sa paaralan at tuluyan na niya akong ginawang taga-alaga sa kanyang mga anak. Ako ay nagtagal din sa kanilang tahanan ng mahigit isang taon. At ako ay kinuha naman ng isa kong lola sa Makati City, pero hindi rin nila ako pinag-aral doon ginawa din lang nila akong utusan at madalas pa ay minamaltrato nila ako kapag sila ay nalalasing.Dahil kapag wala ako mailabas nap era para naipambili nila ng alak ay binubugbog nila ako.
ako ay nasa bahay na ng lola ko sa Makati ito
Kuya ko
Dito ay nakilala ko ang taong nagpapa-aral sa akin ngayon siya ang kuya Richard ko.May 3 anak na siya pero ako ay kinupkop, inalagaan, at inaruga na parang anak. Sa pamilyang ito ay naranasan ko ang pagmamahal ng magulang o kapamilya nang higit pa.Ako ay pinag-aral niya ulit.


At noong siya ay umalis papuntang ibang bansa ay umiyak ako dahil matagal ulit bago ko makita ang kuya ko.Pero okay na din daw yun dahil para maka-ipon daw siya nang pang –aral namin ng mga anak niya.At kahit nasa malayo siya ay sinisigurado niya na nasa mabuting kalagayan kami ng kanyang pamilya.
Anak ng  Kuya ko sina Rai,Jash at Jadie sa Sm Mall of Asia
Ako ay pinag-aral niya sa isang paaralan sa Sta.Rosa Laguna. Dito ay marami akong naging kaibigan, naging malapit din ako sa mga guro sa paaralang ito.Marami din akong natutunan dito. Dito ko rin nakilala ang isa sa matalik kong kaibigan siya ay si Renalyn Gerodiaz.Madalas kaming nasa library kapag kami ay walang klase.At nagfield trip pa kami noon sa Gardenia,Yakult,Ninoy Aquino Parks and Wildlife,at sa PAG-ASA. Napakasaya nang fieldtrip namin dahil lahat ng mga kaklase ko noon ay kasama. Ang kukulit namin sa bus, yung iba naman ay hindi mapigilan ang pagsuka dahil hindi sila sanay bumiyahe ng malayo. Pagkatapos naman ng fieldtrip naming ay nagkaroon nang suring pelikula sa SM Sta. Rosa at kami ay muling nagpunta sa aktibidad na iyon kasama ang buong klase.
Pagkatapos ko ng unang antas dito sa Sta.Rosa ay inilipat ako nang tiyahin ng kuya ko na si Tita Evelyn ditto sa San Pablo at ditto ay ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Noong una ay nahirapan ako dahil iba nanaman ang mga magiging kasama ko sa paaralan at ibang pakikitungo ulit ang kailangan kung matutuhan para mapakibagayan ko lahat ang mga bago kung kaklase. Naging masaya naman ang paglipat ko ditto dahil marami akong mga naging kaibigan ditto ay nakilala ko ang matalik kong kaibigan hanggang  na si Angela Clarizze Aquino.


Angela at ako sa ultimart videoke booth
Siya isa rin bagong lipat sa Dizon High kaya mabilis kaming nagkasundo.Kami ay may roon pang ibang mga kasamahan na bagong lipat lang din noon na sina Aina,Wendy  at Christine pero sila ay lumipat na ng paaralan nung 3rd year kami. Kami ay kabilang noon sa Pangkat- C.
Fieldtrip noong kami ay 2nd year sa Star City
Pero noong makuha naming an gaming kard at nagpatala sa susunod na pasukan ay napalipat kami ng pangkat. Kasama kong napalit sina Angela at Kenjiva sa Pangkat-A. Noong unang araw ng pasukan ay gusto na naming bumalik sa dati naming pangkat ngunit hindi naman maaari. Wala kasi kaming kakilala noon sa napuntahan naming seksyo.Pero hindi nagtagal ay naging maayos din ang lahat at nakilala na namin at nakikipag-usap na sila sa amin.
class picture namin noong kami ay 3rd year
 Sina Zsarene at Junnielyod ang unang kumausap sa akin noon dahil sila yung mga katabi ko sa upuan dahil nagsisimula din ang kanilang apelyido sa letrang A. Naging maganda naman ang kinahinatnan namin sa seksyon na ito at marami kaming natutunan.Halos araw-araw noon ay mayroon kaming mga picture na inaupload sa facebook.
3Agirls na mga pasaway..haha
Dahil mahilig kaming kumuha ng mga litrato kahit na walng okasyon bilang remembrance naming na magkakasama.Marami ang mga masasayang naganap noong kami ay 3rd year kaya hindi naming ito malilimutan.
JUNIOR'S AND SENIOR'S PROM NIGHT ISA SA PINAKAMAGANDANG AKTIBIDAD
At ngayon naman na ako ay 4th year na at malapit nang matapos ay nasa pangkat-A pa rin nina Angela,Jiva at ako.
LAST DECEMBER NOONG KAMI AY NAGHANDA NG ISANG NATATANGING PRESENTASYON SA M.A.P.E.H
Pero mas madalas kung kasama si Angela.Marami ang napalipat sa ibang seksyon na kaklase namin noon at yung iba naman ay lumipat na sa ibang paaralan.Pero kahit na may mga nawala ay may mga pumalit din naman.Kagaya nalang ng mga kaklase naming ngayon na mga nagmula sa Science seksyon.Lahat naman sila ay mababait.Napakasaya nang High school life eto siguro yung sinasabi ng iba na ang hirap magpaalam pag magtatapos na. 
ITO AY PAGKATAPOS NG PICTURE TAKING PARA SA YEARBOOK NAMIN
Ngunit ang lahat ng ito ay kailangan nating gawin upang marating natin ang ating mga pangarap at maisakatuparan an gating mga layunin. Kaya kahit na ako ay malapit nang magtapos ay sisiskapin kong magkaaroon pa rin nang komunikasyon sa bawat isa sa mga kaklase ko.
j.s prom night na katatapos lamang
At ako ay magsisikap na maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa susunod na pasukan.Para na rin sa aking kinabukasan at para sa aking mga kapatid na kailangan ko pang tulungan.At nawa ito ay aking matupad lahat.At nang sa gayun kapag ako ay handa ng magkaroon ng pamilya ay mayroon na akong maayos na hanap-buhay at nasa maayos nang kalagayan..Kaya kailangan ko talagang magtagumpay dumating man ang maraming pagsubok sa aking buhay.. Ito ay kailangan kong malampasan.Hanggang dito muna ang aking talambuhay.Nawa ako ay magtagumpay na matupad ang aking mga pangarap.






with Junnie

Talambuhay ni Jerriechris "Asia-Borthday" Asia

Nagsimula ang kwento ko sa pagmamahalan ng aking mga magulang. Nagbunga ang pamamahalan nila ng limang supling. Sa aming magkakapatid ako ang bunso. Maraming kwento ang dumating sa buhay ko bago ako maging 4th year student. Sisimulan ko ang aking kwento sa araw ng aking kapanganakan.
Sa isang hapon ng agosto taong 1994, ako ay iniluwal ng aking ina. Tuwang tuwa sila nang ako ay kanilang makita. Sabi ng ina ko, bibo daw ako noong ako ay bata pa. Sa katunayan, tatlong taon pa lang ako ay nagsisimula na daw akong magsayaw-sayaw at kumanta-kanta. Noong panahong iyon ay uso pa ang mga kantang ‘shalala’ at ‘hindi ko kayang tanggapin’ na nahilgan kong kantahin at sayawin.
Taong 2001 nang ako ay maging istudyante sa unang baitang. Naalala ko pa yung nangyari sa akin na kung saan ay walang nagsundo sa akin sa unang araw ko sa eskwela. Umiyak ako noon, habang naggugulong. Pero maya-maya pa ay dumating na ang ate ko para ako ay sunduin. Buti na lang ay duating pa. noong ako ay umakyat sa ikalawang baitang, isang karanasan ang  muling sa akin. Habang sinusundan ko noon ang aking kapatid ay inaasembol ko ang aking laruang ‘transformer’. Ilang minuto pa ang lumipas, biglang nawala na lang ang akng kapatid. Kabadong-kabado ako noon habang umiiyak, salamat na lamang sa isang taong tumulong sa akin upang mahanap ko ang kapatid ko.
Mabilis na lumipas ang araw, taong 2006 nang ako ay umakyat sa ika-6 na baitang kung saan nagsimula na akong sumayaw sa aming baranggay at maging sa aming paaralan. Mas marami rin akong nakilalang bagong mga kaibigan kumpara sa mga nakalipas. Ilan sa mga naging kaibigan ko ay sina Neil, Rolando at Angelu. Masasabi kog mabubuti silang kaibigan. Talagang mabilis ang panahon at hindi ko na namalyan na magtatapos na pala ako. Nalungkot ako noon dahil sa mga kaibigang maiiwan ko pero sa puso ko mukhang malabo ng makalimutan ko pa sila.
Nang magbakasyon nakasali ako sa liga sa aming purok. Marami akong nakalaro na naging kaibigan ko. Pumunta rin ako sa Bicol kasama ang kuya ko. Ilan sa masasayang karanasan ko doon ay ang paglalaro sa palayan, pag-akyat ko sa mga puno ng mangga at paglalangoy sa dagat. Nang malapit na ang pasukan bumalik na kami sa aming tahanan.
Sa unang araw ng pasukan, malakas ang tibok ng dibdib ko dahil sa kabang aking nararamdaman. Sa unang araw pa lang meron na kaagad akong naging malapit na kaibigan. Siguro kaya ko siya naging kaibigan ay dahil sa pareho kaming makulit. Nang lumipas pa ang mga buwan, dito ko na nakilala sina Jeric, Joshua at Patrick. Talagang naging masaya ako bilang isang 1st year student. Nagkaroon noon ng isang ‘concert’ kung saan ako ay nakasali bilang isang mananayaw. Nahilig ako sa sayaw dahil kina Allyson at Jayson na bukod sa pinsan ko na ay bestfriend ko pa.
Nang ako’y maging istudyante sa ikalawang taon, mas nagpumilit akong maging magaling na mananayaw. Tuwing ako ay nauwi sa amin, nagpapraktis ako sa likod ng aming bahay na nagbabakasakaling gumaling pa sa pagsasayaw. Pero ng malaman ko na tumigil na sa pag-aaral at pag-sasayaw sina Jason, biglang gumuho ang pangarap ko. Tumigil na rin ako sa pagsasayaw mula noon. Nagbago na ang aking hilig. Nag-aral akong mag-gitara at sa awa ng Diyos ay natuto naman ako sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. Nahilig din ako sa chess na dating hindi ko hilig. Minsan nga ay nagkaroon ng try-out sa chess kung saan ay lumahok ang aking mga kaibigan. Inanyayahan din nila akong sumali. Naisip kong wala namang mawawala kung sasali ako. Pero laking gulat ko nang ako pa ang nanalo sa patimpalak. Nakakatawang isipin hindi ba? Mula noon ay lalo akong naging interesado sa chess. Napasali na rin ako sa palarong pan-lungsod. Sumali na rin ako sa isang ‘chess tournament’ at sa awa ng Diyos ay nanalo ako bilang pangalawa sa pangkahalahatan. Lumipas ang panahon at hindi ko namalayan na magiging 3rd year na pala ako. Naging mataas ang grado ko noong ako ay nasa ikalawang taon pa lamang na naging dahilan ng pagtaas ng seksyon ko.
Naging 3-B ako noon. Sa una, medyo nahihiya at nalulungkot ako doon dahil kakaunti pa lang ang kakilala ko doon. Pero nang lumipas ang panahon, naging ka-close ko na rin sila. Hindi ako makapaniwala na magiging top-1 ako sa kanila. Pero para sa akin, isang tao lamang ang dapat kong pasalamatan dahil sa pagiging top-1 ko, siya ay si JM. Si JM ang nagturo sa akin na pumunta sa ‘city library’ upang mag-aral. Mula noon ay nahilig ako sa pagbabasa sa ibat-ibang uri ng libro. Naging mataas muli ang aking grado. Dumating din ang “JS prom”. Sa una ay ayaw ko pang sumama pero nang pilitin ako ng mga kaibigan ko, sumama na rin ako. Naging masaya ang ‘JS prom’ para sa akin. Pagkatapos ay kumain pa kami sa “Lugaw Queen”, ang saya talaga. Dahil sa grado ko, nakasisiguro ako na tataas ang seksyon ko pero naging malungkot ako sapagkat naaalala ko ang mga panahon na nagkakasama kami ng mga kaibigan ko. Pero ang sabi ko sa sarili ko hindi naman sila mawawala sa puso ko kaya pumayag na rin akong maging A.
Nang una akong pumasok bilang 4-A kabadong kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ang una kong nakilala sa A ay si Mark. Sa una ay ok lang sa akin si David pero nagtataka ako kung bakit maraming may ayaw kay David. Ngayon alam ko na kung bakit. Naging ka-tropa ko na noon sina July, at Nickdhel. Nakilala ko si July dahil pala-kaibigan siya samantalang si Nickdhel naman ay napakakult kagaya ko kaya naging malapit siya sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko silang dalawa. Nadating ang araw na nagkakayayaan kaming mag-basketbol, napakasaya naman ng karanasang iyon. Mabilis talaga ang panahon at dumating na ang araw na pinakahihintay ko, ang ‘Seniors Mini Olympics’. Naglaro ako noon ng soccer. Naging masaya ang paglalaro namin ng soccer pero meron akong natutunan sa larong iyon. Ito ay “hindi mahalaga ang manalo sa laro, ang mahalaga ay kung paano ka naglaro at kung naging masaya ka sa paglalaro”. Naglaro rin kami ng basketbol. Nakatsamba sa unang laro, pero sa sumunod ay natalo na, ang lalaki baga naman ng mga kalaban. Naging masaya ang buhay 4th year ko kung saan nabuo ang mga salitang “asia-birthday”,”aro-moves”,”early-lately”,”july ma-log” at salitang MALUBAY. Sa ngayon, nagkaroon kami ng proyekto sa MAPEH kung saan kailangan naming magsayaw at ako ang naatasang magturo sa aking mga ka-grupo. Ito na siguro ang paraan ng Diyos upang ako ay muling magsayaw. Malapit na ang graduation na alam kong ikalulungkot ko. Kung ako ang tatanungin, ayoko munang magtapos sa sekondarya dahil ayokong dumating ang panahong hanap-hanapin ko ang mga kalokohan naming pinaggagawa pero may kasabihan ngang “ the life must go on” kaya kailangan talagang ipagpatuloy pero isa lang ang tinitiyak ko, hindi ko makakalimutan ang mga kalokohan naming bilang istudyante at kahit anung mangyari mananatili ito sa kaibuturan ng kaloob-looban ng puso ko at kalianman ay hinding-hindi maglalaho.
Sa buhay ko marami akong naging karanasan, pero sa lahat ng karanasan ko meron akong naaalala. Ito ay ang mga karanasang may kaugnayan sa pagtatrabaho at paghahanap-buhay ko. Sino ba naman ang makakaisip na sa  mura kong edad ay marami na akong naging trabaho. Nag-tinda na ako ng sigarilyo,  sampaguita, nagtrabaho sa manukan at sa botehanna naging inspirasyon ko sa buhay ko. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging matatag ako. Alam ko na malaki ang maitutulong nito sa pagsalubong ko sa aking hinaharap.

ANG TALAMBUHAY NG ISANG KENJIVA :))





ako ito nung 1st birthday ko

Bago ko simulan ang paglalahad na ito nais ko munang magbigay ng konting impormasyon tungkol sakin .Ang ibinigay na pangalan sa akin ng aking ina ay Kenjiva at Quiaño ang ginagamit kong apelyido.Apelyido ito ng aking butihing ina.Violeta Quiaño ang kanyang pangalan Erlinda Esguerra naman ang sa aking lola.Tatlo kameng magkakapatid si Kim Gayel Quiaño at Rowena Quiaño.ipinanganak ako noong ika-18 ng Hulyo taong 1995.Ngayon ako ay 15 taong gulang na.Sa labinlimang taon ng pagkabuhay ko  sa mundong ito,sobrang dame ko ng karanasan.Noong bata pa ako , ng pumasok sa eskwela hanggang magtatapos na ang sekondarya ko ngayon.

kasama ko ang aking tita!
Nabuhay ako ngayon  na hindi nakasama ni minsan  ang aking ama sa totoo lamang ay ni pangalan niya ay hindi ko alam.Alam kong karapatan kong malaman pero ni m,ansan hindi ko sinubukang Itanong sa aking ina.Ako kasi yung tipo ng taong mababaw ang luha siguro hindi halata dahil sobra akong masayahin.Gusto ko mang malaman pero mas mabuting mag intay na lamang ako ng tamang panahon.Ako po ay isang half-singaporean, Singaporean ang aking ama Kaya siguro  wala akong lakas ng loob para magtanong pa ay dahil wala din naman siguro dito. Malungkot na hindi ko sya kilala pero Masaya naman ako kasi alam kong maraming nagmamahal sa akin dito. Minsan nga naiisip kong  hindi kumpleto ang aking pagatao dahil ang taong naging dahilan sa aking pagkabuhay ay hindi ko makasama at hindi ko kilala.
birthday ito ng aking kapatid na bunso!
Noong bata pa ako ,ako’y parang tomboy mas marami akong kaibigang lalake kesa babae dahil sa totoo lang mas trip ko pa ang laro ng lalake.Mas nag eenjoy ako sa larong sikyo,patintero,habulang taya,sipa,sipa-bola,paltok-bola,taguan,paltok –lata,tumbang preso,at marami pang iba.Mas gusto ko pa ito kesa sa paglalaro ng Barbie,manika,make-up make-upan,sumayaw,bahay-bahyan at kung ano-ano pa.Lumaki ako sa Cornista Subd. At aminado ako na isa ako sa mga “batang kalye” sa aming lugar pero dahil sa wala akong pakeelam sa sasabihin ng kapitbahay at lalong lalo na ni mama dahil para sa akin mas mabuting mapalo ako dahil sa pag lalaro at hind sa dahilan hindi ako nagging masaya.Halos umikot ang mundo ko sa buong araw na paglalaro.Uuwi lang ako pag kakaen na at liligo.Ang araw ko ay nagugugol sa mga walang kwentang bagay dahil bata pa ako at para sa akin ito na ang bagay na pinakamakabuluhan sa lahat at hindi kumpleto ang araw ko kapag di ako nakakalaro.Naranasan ko ng sumama sa libot , kumuha ng handa  at mag doble doble pa kahit na mapagalitan dahil bata talaga ako at hindi ako marunong mapahiya.Hindi man ako lumaking mayaman pero kahit papaano’y nagging Masaya naman ako sa buhay na aking kinalakihan.
Pumasok ako ng elementary sa mababang paaralan ng San Roque Elementary School  5 taon pa lamang ako noon ayaw akong tanggpin dahil bata pa daw ako kaylangan ko daw munang mag kinder.Pinagpilitan lang ni mama at sinabi nyang kahit saling pusa lamang ako ngunit, sa kabila noon pumasa at sinabitan bilang isang mabuting estudyante.Kahit ako’y bago pa lamang sa elementary marame na akong naranasan at kaibigan siguro dahil talaga madaldal ako at iyon ang charm ko para makahanap ng kaibigan. 
Ito ang mga kababata kong pinsan..
Hindi talaga ako nauubusan ng kwento kahit pa kung minsan pati mga personal na problema naoobahagi ko din sa aking mga kaibigan.


ito ang aking mga tita at lola..
Sa aking pagtatapos na iyon sobrang saya ko kasi alam ko na dahil nga sa swerte ako nakatapos ako nang elementary.Nag aral talaga ako ng mabuti noon dahil sa takot ko sa aking ina.Parati nyang sinasabe sa akin na pag hindi daw ako nag aral ng mabuti papahintuin nya daw ako.Habang tumatagal tumatanim na din sa aking isipan na maswerte ako at nakakapag aral ako.

Bagong kabanata naman ng aking buhay ang hinarap ng magin sekondarya na ako. Pumasok ako sa Del Remedio Natinal High School dahil malapit lang sa amin iyon. Masaya din nman ang buhay kahit umpisay wala akong ka close.Dahil ang mga kaklase ko ay magkakakilala na. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa kasi malapit lang sa amin iyon.Sa sobrang lapit sa amin kahit si mama nakakapunta doon kahit minu-minuto pa.pakiramdam ko nga ay bantay-sarado ako noon.Masaya din naman sa Del Remedio yun nga lang siguro dahil hind lang talaga ako nababagay.Marami ding mga program sa skul na iyon at magagaling din naman ang mga guro.Ewan ko lang nga kung bakit wala akong natutunan tsaka wala ding masyadong pogi kaya di nakakainspired pumasok.JOKE LANG !! nag paalam na ako sa nga date kong kaibigan dahil sinabe ko na akoy lilipat na ng skul  masaya silang kasama at mga tunay na kaibigan.Sobrang masayahin pati madameng trip.Nang 2nd year na ako napatira ako sa tito ko ,kapatid ni mama.Kaya nga heto ako napapasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial Natinal High School.wala akong ni isa amang idea kung ano ang magiging buhay ko nang pumasok ako dito.Nung second yeary C ang aking section dahil na din siguro late ang aking enroll.Hindi naman din ako Op kasi may mga kakilala ako yung mga classmate ko ng elementary.Hindi ko sila naging kabigan pero may mga pumalit na bago.Mga transferee din sila kaya naging close ko.Naging kasama ko Sali sa pagtambay,kumaen,at pag papakasaya.naging mabuti naman yung pag aaral ko dahil siguro inspirado at nagbunga naman ito. Nung 3rd year naging A na ang section ko at yun lang naman ang gusto ko buti napagbigyan at naka experience makakilala ng bagong kaibigan.kahit na bagong pakikisama  nagawa kong makisama at nakatagpo ng mag tunay na kaibigan.Nang pumasok ako dito nag bago ang pananaw ko sa buhay.kahit na sobrang init at nag dulot ng pag kaitim ko sobrang enjoy naman kaya di din nakakapagsisi.Mas madameng activities sa skul  mas madame akong natutuhang bagay at lalaong nahubog ang aking pagkatao.Mas madameng naencounter na problema pero syempre nalampasan ko at hindi lang talaga lageng puro sarap.Alam ko na ngayon may sasarap pa sa pagiging elementary at ito na nga ito.Ang buhay ko ngayon!!Nasabi ko na mas nahuhubog ang aking natutunan.Minsan binabalik balikan ko pa din ang buhay ko date at napapangite ko sa dameng masasayang alaala na iyon.Ngayong malapi na ang pagtatapos ko, namen siguro may bagong magbubukas na bagong kabanata ng aking buhay.Sana malampsan ko ang mga problema na yon.madame akong mamimiss sa skul na ito ang aking mga guro,kaibigan,kakilala mga taong nag papasaya sa akin.Mababaw lang naman ang kaligayahan ko sapat na sa akin ang mahal ako at Masaya na ako don.Masaya ako na ditto matatapos ang high school life ko.Dito ko kasi nakilala ang unang taong kabertday ko at kahit papaanoy naging bahagi na say ng aking buhay.Hanggang ngayon di pa din kame marangya pero Masaya na ako kasi di nila ako iniiwan at dinadamayan hindi man pinansyal pero ayos na din.



Yun lamang ,hindi man gaanong maliwanag  pero sana sa pagbabasa niyo nakilala nyo si Kenjiva na hindi man maganda ,mayaman pero astig.JOKE LANG!! SALAMAT PO  ..





♥i'm  jiva and this is my story ♥